Para kong tanga!!
Umiiyak ako!
May narinig kse kong kanta kanina... yung kinakanta ni manong bulag dun sa Edsa Shrine overpass.
Ang galing kse ni Manong kumanta! Kinanta nya yung "I'll Take Care of You" ni Ronnie Milsap.
Ang tagal tagal ko ng hindi to naririnig kaya tatandaan ko to para sa next videoke session if ever (hihii)
Isa pa sa rason kung bakit ako naiyak ay dahil kinanta yun ni Manong Bulag sa asawa nyang nasa tabi nya... na nagsisilbi ding alalay nya tuwing nanlilimos. Araw araw ko sila nakikita sa overpass. Napahanga ako. =) Hindi sila nag-iiwanan sa kabila ng kalagayan nila. Ang sweeeeeeet! Nakaka-antig damdamin! Di ko napigilan ang pagdaloy ng mga luha.....
Call me senti.. emo... ako na!
Pero ang ganda kse ng lyrics e.
Kailan kaya ko kakantahan ng ganun? Ayokong maging masyadong kritikal...
strong nga ko e... alam kong sakin nakasalalay ang kasiyahan ko. Pero syempre,
tao parin akong naghahanap ng konting atensyon... konting lambing. Hindi naman sa "needy" ako masyado pero deserve ko naman yun at sobrang tagal ko ng hindi yun nararamdaman. Minsan parang gusto ko na isara nalang ang puso ko to spare myself from pain kso ang korny naman nun... mabuti pang mamatay nalang. Ayokong maging manhid...walang saysay ang buhay kung magiging manhid. Sa ngayon, ayoko talaga muna isipin pero madalas ay may isang taong sumasagi sa isip ko. Ahahaha Pero teka, ibang usapan yun! Basta ang masasabi ko lang, wala akong masabi! nyahahaha anlabo!!!
Hindi biro ang mga pinagdaanan ko so I believe unfair na tinatawag-tawag akong emo. Ganun naman ang mga tao e.. napakadali nilang magsalita.... kung sino pa yung mga wala namang kinalaman sa buhay mo, yun pa yung maraming sinasabi. Meron dyan, sinasabihan ako ng mahina kse wala parin daw akong bf. Kesyo ang tanda ko na daw, napag-iwanan na ko ng panahon... Tuwang-tuwa silang sabihan ako ng ganun. Buti hindi naman ako napipikon. Hindi naman ako makitid na tao. So what kung wala kong bf? Mas ok naman maging single keysa naman may bf nga ko, babaero naman! OMG tama na!!
Mataas ba masyado ang standards ko? O baka sila ang masyadong mababa ang standards!?? hehehehe Basta ko, steady lang muna... no pressure! At hello? Ang bata ko pa!!! Pasalamat sila at mabait ako kse kundi, pinagtatampal ko na sila! hahaha
Kagabi noong inopen ko yung isa kong blog, nabasa ko ulit yung sulat ko para sa future baby ko. Naluha ako kse parang gusto ko sya sulatan ulit at ikwento ang mga nararamdaman ko ngayon. Naiyak ako kse natatakot ako na baka hindi ko sya makita. Hindi ko sya mayakap.. hindi ko maturuang magbasa, magluto, kumanta etc.Paano nalang kundi nga? Ang hirap kapag lahat ng tao, sinasabihan kang hindi ka magtatagumpay... na hindi mo makakamit ang mga mithiin mo...at sa kabila nito, kaibigan ko daw sila (wow!!)
Magiging hopeful parin ako!
"I'll take care of you. Don't be sad, don't be blue." ~~~ ang sarap pakinggan ng mga katagang ito. Mas matindi pa sa I love you! The thought na may isang taong nag-aassure syo na hindi ka mag-iisa....yung laging magiging nasa tabi mo kahit anong mangyari, lalo na sa mga araw na hindi ka na maganda't mabango. Yung laging may hahawak ng kamay mo kahit magaspang na ito... yung may karamay ka sa pag-iyak at kasiyahan. Yung may magpapatawa syo tuwing may sumpong ka. hehehe Alam ko naman na hindi lang sa mga halik at yakap nasusukat ang pagmamahal...
Basta pagdating ng araw.... ng tamang oras... sasabihin ko din ang mga katagang ito sa taong karapat-dapat
magmay-ari ng buong pagkatao ko... paulit-ulit ko itong sasambitin.....malayo man ako sa kanya....ipakiki-usap ko kay Haring Habagat na ibulong yon lagi sa kanya... na magiging puro at wagas ito.
Na kahit lumuha man nang paulit-ulit.... sya parin ang hahanap-hanapin ko dahil sadya kaming ginawa para sa isa't-isa.
I always say what I mean, and mean what I say.....
Umiiral nanaman ang pagka-romantiko ko......
.... (hinga ng malalim Mae!!)
0 reactions:
Post a Comment