Wednesday, June 29, 2011

Tips Para Sa Mga Girsl!!!

Aaminin ko, lagi ako naiinis sa mga kababaihan these days to the point na minsan naisip ko kung babae nga ba talaga ko? Dami kseng kaartehan!
Di ko na magets! Pero syempre I know I'm a girl. No doubt! Pero hindi naman ako uber arte! hay nako!

kapag naiirita!

Hindi ako experto sa pag-ibig. Lately ko lang nadiskubre na isa kong babaeng torpe. Lakas pala ng loob huh? Wala! Wala! Siguro kse kapag alam mong totoo na, shet! Basta shet! Yun na yun!
Out of words ang loka! Grrrrr

Ewan ko ba kung baket lagi nalang ako napapagtanungan ng mga bagets sa FB tungkol sa pag-ibig! hahahahaha Ano bang meron saken?
Mukha bakong DJ? Feeling ko minsan shock absorber ako sa dami ng problemang nasasagap ko on a regular basis. Dapat nga yata nag-psychologist nalang ako, baka yumaman pa ko. Anyway, wala din naman akong ibang pinapayo.. most of the time nakikinig lang ako.

Pansin ko, karamihan sa mga babae... hay nako.... me problema sa insecurity nila. They don't feel contented with their relationships 'coz they're always demanding more from their bf. At the first few months, they fall in-love and have fun. Some even sleep with them (after a month) right away and get lots and lots of sex. But after let's say 3-6months, they become demanding. They become overly needy and needs to be constantly re-assured. Me mga patesting-testing pang nalalaman at may pahirit-hirit pa na, "I think you don't really love me!" They start to doubt their bfs and make a big deal out of petty issues. In short, they turn into nagging bitches! O diba nakakainis no? Kung ikaw nga naman ang bf, gusto mo ba ng ganun? Lagi kang dinadramahan ng gf mo? Pathetic!

Hay, it all boils down to insecurity. Kung confident at secure ka sa sarili mo, walang space para sa mga thoughts na nega... You'll just be so busy making your partner happy... making both of you happy and make the love grow and grow. Ganun dapat. A relationship should give you happiness... hindi lang sexually pero much much deeper than that. I know madaming tests na pagdadaanan... pero yun yung mga magpapatibay ng samahan. Totoo yun!

Eto girls ang mga tips ko para senyo. Again, I'm not an expert but this might help so you'd feel less insecure and look less desperate in front of your man.
kanya kanyang trip lang yan!

1. Be Confident- aaminin ko, minsan selosa din ako.. pero sakto lang. Syempre kapag love mo isang tao, imposibleng di ka magselos. Pero dapat nasa lugar. At kung nafifeel mo yun, don't be afraid to tell your man once. Again.. ONCE! Wag paulit-ulit. Nakakaurat yun I'm telling you! Once na nasabi mo na, if he really cares about you, he'll find a way to make you not jealous. Minsan kse baka di lang nila napapansin so dapat, aware sila.. so tell them straight up.Walang drama.. walang paawa effect na laos na sa takilya ok? If he still flirts with other women at alam mo ibang level na... that's your signal! EXIT KA NA! Di mo kelangan ng ganun lalo na kung alam mong faithful ka sa kanya.

2. Huwag magkita araw araw! - Pramis! I swear! I know madami sa inyo ay adik na adik at laging gusto dumikit sa inyong bf... pero wag. Baket? Nakakasakal! Tao din naman sya na may sariling buhay.... give yourselves space.... room to grow! Maganda din yung namimiss nyo ang isa't isa para exciting! hahahha


3. Get a LIFE! - Pursue your dreams and support him in his as well. You should also do other things aside from thinking of him. Get a hobby, go out with friends. Explore! Have fun! A relationship should free you and never chain you in one place or with one person. Magpakabusy ka sa ibang bagay na worthwhile.. in short, develop yourself. Kapag nakita ng bf mo na happy ka sa ginagawa mo, he'll be more supportive of you not to mention,  maiiwasan mo din magdemand ng time nya.

my student Melody drew this for me
4. Let Him Be - Give your man space. Never control him!  FYI: tao ang bf mo ok? Wag kang umasa na 24/7 syang dikit syo.. linta ang tawag sa ganun! Kung trip nya magdota, fine! Makipaglaro ka din (favorite hero ko si Barathrum)!  Kung trip nyang makipag-inuman sa mga tropa nya minsan... go go go! Hayaan mo syang mag-enjoy. You don't have to join him always and I don't advice you to do so.... give him his space. But always make him feel loved. Reassure mo din syang andyan ka for him.

5. Know your role - Ano nga ba ang role naten?  Lalo na tayong mga girls... alam natin dapat ang ating roles bilang babae. We should know how to serve our man... and let them be men! Ganun ang magandang partnership... dapat suportahan! Let them lead.. kaya nila yan!  Make them feel good about themselves. We should also learn on how to handle them para syempre they will respect us as women. Never ever make them feel inferior (nobody wants that). Stop nagging and try to be more sensitive with his feelings. Wag silang i-overpower... respect his pride. We should know our place in the animal kingdom. If you want to make your point.. do it in a loving way.

6. Feed your mind- magbasa-basa din kyo... wag maging bobo ok? Be informed, manindigan. Una, panget sa babae ang bobo. Maganda ka nga..sexy and all.. sunod ka nga sa uso. Me i-pad ka nga... wala namang laman utak mo? Ay kaderder! Ano naman ang pag-uusapan ninyo kung wala kang alam? Aside from sexual intercourse, there is this thing called mental intercouse. Most of the time, you'll be verbally interacting with your mate so it pays to feed your coconut. Physical beauty fades in time....
e kung ganyan ka talaga! Be yourself!

7. Be yourself - I-appreciate mo kung ano ang meron ka. Be contented with what you got. Wag mong hanapin yung mga bagay na wala syo. Kung natural kang morena, then love it! Kung mala ita ang iyong buhok... so what? ikaw yan e! kahit paulit-ulit mo pang iparebond yan... hay! ambot! Isa pa, wag maging mapang-panggap... baket? Halata e! Pramis! Hindi kse natural!  At hindi bagay... for the simple reason na hindi yan ikaw. Kaya nga dba sbi ko, dapat idevelop ang sarili. Wag gaya-gaya!

8. Be honest - Sus! very basic sa GMRC pero madami parin ang sumesemplang dito! Be honest at least to yourself. Lalabas at lalabas din yan sa huli. Syempre there should be honesty in a relationship. Kapag naglie ka sa partner mo, ang hirap na ire-build ang trust. Trust is something very very important in a relationship. If you trust eachother, there will be no room for jealousy. I say you should both build trust on the 1st few months. Make him feel secure and loved. Do not resent him or make him feel "not enough." Kung love mo sya, iparamdam mo na syang sya talaga!

9. About  Sex- I strongly advice na wag muna makipag intercourse agad agad. Pigilan mo! Itali mo sarili mo!  Remember, it is a sacred act. Love is sacred. Do it at the proper time. Ideally when you get married. Kapag hindi mo na talaga mapigilan, well, bahala ka na sa buhay mo! hahaha Joke! Do it with only your partner.. wag maging pok pok. bad yun!  Wag kung kani-kanino. Respect yourself girl! Your body is not a toy! Respect your partner as well. It's not all about the sex, though isang part yun... connection yun e (not just physically but in a much deeper sense).   Basta laging tandaan. Be Responsible and make it very very romantic...hindi lang puro you know! Korny kaya nun! hahahahhaha
bye bye make-up

10. Be Simple - Dati, hindi ako makalabas ng bahay ng walang make-up. Feeling ko noon, I have to put color on my face to look pretty until narealize ko na beauty radiates from within. Ngayon, kahit wala akong make-up, I feel much more pretty sa totoo lang. It is how you feel from the inside. Walang effort. Kung ano man ako, tanggap ko at mahal na mahal ko ang buong pagkatao ko. If you practice this, your partner will definitely feel it and will be happy of course. Do it for yourself girl! Alamin mo yung mga bagay na essential. It pays to have a good attitude and mindset. You'll earn not only your partner's respect but others as well.

most important of all ... LOVE yourself. LOVE the REAL YOU and all else will follow. Fill yourself with love... and when you are overflowing with it... natural nalang ang lahat. You'll have more than enough love to share. Respect yourself girl! Kapag pinakita mo sa bf mo na karespe-respeto ka, mas gagalangin ka nya believe me. You must know what you want but be sure to respect him as well.  If you love him, you will respect him... automatic na yun. Why would you hurt the one you love dba?

Mga reyna tayo remember! We should be treated like queens! Pero syempre we have to show them na queenly nga tyo! Regal! Sophisticated, hindi cheap! Hindi mga desperada!  Hindi basta basta. Lady like! Poised parin. Educated, fun to be with. Make them proud na tyo ang girl nila! We're more than just trophies! Gets?

Tuesday, June 28, 2011

Akong AKO!

Time out muna ulit sa inglisan...
Meron nga pala akong personal blog... ngayon ko lang ulit nadalaw!
busy eating
Hindi naman talaga ko nawala.. mejo nalipat lang ang atensyon ko.
Nagdecide kse ko last month na mejo maging serious sa food blogging at
food photography kaya gumawa ako ng ibang blog exclusively for food. Ayoko naman
kse dito ipost kse nakakahiya naman na mabasa ng buong mundo ang mga
kaemohan ko! ahehehe.

Masarap din palang balikan at basahin yung mga nakaraan kong entries.
Ganun pala ko magsulat! Pati ako nagugulat sa sarili ko minsan!
simple


Wala akong pinag-sisisihansa mga nasulat ko dahil alam kong totoo ang lahat ng 'yon.
Kahit gano pa kakorny o ka-emo... hello? Lahat naman tyo may ganung time....
at walang masama sa pagpapaka-totoo.

Looking back.... ibang-iba na ko ngayon. Ok nga kse it's a sign of growth. A better and better
Mae habang tumatagal. Naachieve ko na din yung gusto kong mafeel....
yung maging AKO..... AKONG AKO!
Karamihan ng mga tao, mga titles, fame at material things ang mga nais maachieve, ako, gusto ko lang kilalanin ang sarili ko at magawa ang mga bagay na nakapagpapasaya at magbubuo ng katauhan ko.


Naranasan ko na ang sobrang malungkot.... kaya ngayon dapat sobrang saya naman!
Fair naman ang buhay e, nasatin lang talaga kung pano natin dadalhin ang mga sarili natin.
Kung feel mo na lagi ka nalang bigo, payo ko, kilalanin mo nalang muna ang sarili mo...
baka meron tayong dapat baguhin. Bobo lang ang magsasabing hindi na sya kailanman
magbabago. Dapat matuto tayong sumunod sa "natural law." The only constant thing is life is
change. Matuto tayo dapat sumabay sa agos. Sumabay in a sense na dapat nating tanggapin
ang mga pangyayari sating buhay... hindi yung tipong sabay ka nalang lagi sa uso.. sa mga
nakararami. Hindi porke uso na e maganda na. Hindi po kailangang sumunod sa uso kundi
mo ito feel talaga. Matuto sana tayong manindigan sa mga gusto natin.

Katulad kahapon, habang nakaharap ako sa salamin at nagsusuklay... sabi ko sa buhok ko,
"baket hindi ka tumitino, kahit anong suklay ko, kumukulot ka parin?" sagot naman ni buhok,
loving my curly hair
"e sa gusto ko e!" ok fine curly! You win! Dapat tanggapin ko nalang yun.... law of nature!
Natural na kumulot ang hair ko.. FINE! Sa isang banda.. at least di ko na kelangang pumunta sa salon
para magpakulot dba? Ang mahal kaya nun! Narealize ko, mas ok nga ganito ang hair ko.... ang cute nga e!
Karamihan sa mga Pinoy ang "ideal girl" para sa kanila ay yung mga petite, chinita, tisay, mahaba ang buhok,
nakarebond, sexy, mahinhin, hindi nagsasalita.... in short, HALAMAN!! ahahahha Madami din dyang mga girls, nagpapanggap maging "cool" at "matalino" kuno  para magpacute sa mga boys! Puro nalang boys! As if mamamatay sila kapag walang boys na pumupuri sa kanila! che! Pero hay.... lalabas din ang tunay in the long run I'm sure!! As in!
ako na ang clown ng buhay mo!

E pano naman ako nyan? average lang ang height ko, hindi ako chinita, morena, kulot ang buhok, walang balak
magparebond, chubby (pero almost pang FHM na), boyish, cowboy, hindi kikay at madaldal... hmmm
E ano naman ngayon? E AKO ITO Eh! Puro panlabas lang naman ang mga to...
I know my worth.. I know my value.. I know who I am.. I stand for what I believe in. I'm perfect the way I am. I am ME!


Madalas, nahihiwagaan ako sa sarili ko at sa mga kakayahan ko. Hindi man ako,
yung tipong malihim at puno ng mysteryo dahil sa aking "expressive" nature....
mayroon akong natatagong mysteryo saking katauhan na kahit ako mismo ay pilit paring inaalam.
Marahil dahil may mga bagay akong bigla-biglang nagagawa at naiisip.... kung ano man ang mga
ito... atin nalang abangan.Expect the unexpected! Magaling kaya ko sa mga sorpresa!! Thrilling diba?

Anyway, naisip ko, cge I'd still post here at my personal blog from time to time.... Kapag feel ko!
Ke may makabasa o wala (sana wala).... keri lang! wala ko pake!!!

sikwet muna syempre!

Sa ngayon, busy-busihan ako sa pagsulat ng mga liriko para sa mga bago kong kanta.
Aaminin ko, madalas wala akong maisulat  sa dami ng mga naiisip ko...  nakakaaliw nga e.
Nagfo-flow nalang ang ideas bigla pero mejo hindi pa ko satisfied, alam ko may mga igaganda pa.
Naisip ko gawan ng kanta yung ex ko, pero naisip ko din na waste of time lang. Id' rather write
something happy. Ayoko na magdwell sa painful past. Graduate na ko dun e. Kung gagawa man ako, it would be some sort of thanks to him for setting me free. Hinding hindi ko matutuklasan ang sarili ko kundi kme naghiwalay. Masasabi kong mas masaya na ko ngayon and I wanna wish him love and happiness kse yun naman ang deserve nating lahat. Kaya eto,
karamihan ng mga nasususulat ko, puro tungkol sa mga tao sa paligid ko. Mga mensaheng tanging
sa awitin ko lang mailalabas. Hindi ako experto sa pagsulat ng kanta. Alam kong madaming-madami
pa kong dapat pag-aralan. Hindi ako teknikal na tao, kung ano ang nasa puso ko, sinusulat ko. I will still do my best as always!

MAYO