Meron nga pala akong personal blog... ngayon ko lang ulit nadalaw!
busy eating |
Nagdecide kse ko last month na mejo maging serious sa food blogging at
food photography kaya gumawa ako ng ibang blog exclusively for food. Ayoko naman
kse dito ipost kse nakakahiya naman na mabasa ng buong mundo ang mga
kaemohan ko! ahehehe.
Masarap din palang balikan at basahin yung mga nakaraan kong entries.
Ganun pala ko magsulat! Pati ako nagugulat sa sarili ko minsan!
simple |
Wala akong pinag-sisisihansa mga nasulat ko dahil alam kong totoo ang lahat ng 'yon.
Kahit gano pa kakorny o ka-emo... hello? Lahat naman tyo may ganung time....
at walang masama sa pagpapaka-totoo.
Looking back.... ibang-iba na ko ngayon. Ok nga kse it's a sign of growth. A better and better
Mae habang tumatagal. Naachieve ko na din yung gusto kong mafeel....
yung maging AKO..... AKONG AKO!
Karamihan ng mga tao, mga titles, fame at material things ang mga nais maachieve, ako, gusto ko lang kilalanin ang sarili ko at magawa ang mga bagay na nakapagpapasaya at magbubuo ng katauhan ko.
Naranasan ko na ang sobrang malungkot.... kaya ngayon dapat sobrang saya naman!
Fair naman ang buhay e, nasatin lang talaga kung pano natin dadalhin ang mga sarili natin.
Kung feel mo na lagi ka nalang bigo, payo ko, kilalanin mo nalang muna ang sarili mo...
baka meron tayong dapat baguhin. Bobo lang ang magsasabing hindi na sya kailanman
magbabago. Dapat matuto tayong sumunod sa "natural law." The only constant thing is life is
change. Matuto tayo dapat sumabay sa agos. Sumabay in a sense na dapat nating tanggapin
ang mga pangyayari sating buhay... hindi yung tipong sabay ka nalang lagi sa uso.. sa mga
nakararami. Hindi porke uso na e maganda na. Hindi po kailangang sumunod sa uso kundi
mo ito feel talaga. Matuto sana tayong manindigan sa mga gusto natin.
Katulad kahapon, habang nakaharap ako sa salamin at nagsusuklay... sabi ko sa buhok ko,
"baket hindi ka tumitino, kahit anong suklay ko, kumukulot ka parin?" sagot naman ni buhok,
loving my curly hair |
Natural na kumulot ang hair ko.. FINE! Sa isang banda.. at least di ko na kelangang pumunta sa salon
para magpakulot dba? Ang mahal kaya nun! Narealize ko, mas ok nga ganito ang hair ko.... ang cute nga e!
Karamihan sa mga Pinoy ang "ideal girl" para sa kanila ay yung mga petite, chinita, tisay, mahaba ang buhok,
nakarebond, sexy, mahinhin, hindi nagsasalita.... in short, HALAMAN!! ahahahha Madami din dyang mga girls, nagpapanggap maging "cool" at "matalino" kuno para magpacute sa mga boys! Puro nalang boys! As if mamamatay sila kapag walang boys na pumupuri sa kanila! che! Pero hay.... lalabas din ang tunay in the long run I'm sure!! As in!
ako na ang clown ng buhay mo! |
E pano naman ako nyan? average lang ang height ko, hindi ako chinita, morena, kulot ang buhok, walang balak
magparebond, chubby (pero almost pang FHM na), boyish, cowboy, hindi kikay at madaldal... hmmm
E ano naman ngayon? E AKO ITO Eh! Puro panlabas lang naman ang mga to...
I know my worth.. I know my value.. I know who I am.. I stand for what I believe in. I'm perfect the way I am. I am ME!
Madalas, nahihiwagaan ako sa sarili ko at sa mga kakayahan ko. Hindi man ako,
yung tipong malihim at puno ng mysteryo dahil sa aking "expressive" nature....
mayroon akong natatagong mysteryo saking katauhan na kahit ako mismo ay pilit paring inaalam.
Marahil dahil may mga bagay akong bigla-biglang nagagawa at naiisip.... kung ano man ang mga
ito... atin nalang abangan.Expect the unexpected! Magaling kaya ko sa mga sorpresa!! Thrilling diba?
Anyway, naisip ko, cge I'd still post here at my personal blog from time to time.... Kapag feel ko!
Ke may makabasa o wala (sana wala).... keri lang! wala ko pake!!!
sikwet muna syempre! |
Sa ngayon, busy-busihan ako sa pagsulat ng mga liriko para sa mga bago kong kanta.
Aaminin ko, madalas wala akong maisulat sa dami ng mga naiisip ko... nakakaaliw nga e.
Nagfo-flow nalang ang ideas bigla pero mejo hindi pa ko satisfied, alam ko may mga igaganda pa.
Naisip ko gawan ng kanta yung ex ko, pero naisip ko din na waste of time lang. Id' rather write
something happy. Ayoko na magdwell sa painful past. Graduate na ko dun e. Kung gagawa man ako, it would be some sort of thanks to him for setting me free. Hinding hindi ko matutuklasan ang sarili ko kundi kme naghiwalay. Masasabi kong mas masaya na ko ngayon and I wanna wish him love and happiness kse yun naman ang deserve nating lahat. Kaya eto,
karamihan ng mga nasususulat ko, puro tungkol sa mga tao sa paligid ko. Mga mensaheng tanging
sa awitin ko lang mailalabas. Hindi ako experto sa pagsulat ng kanta. Alam kong madaming-madami
pa kong dapat pag-aralan. Hindi ako teknikal na tao, kung ano ang nasa puso ko, sinusulat ko. I will still do my best as always!
MAYO
0 reactions:
Post a Comment